--Ads--

Masayang inanunsyo nina Robi Domingo at Maiqui Pineda nitong Martes na magkakaroon na ng anak.

Mapapanood sa video na ibinahagi ni Robi sa kanyang social media, ang iba’t-ibang reaksyon ng kanilang celebrity friends matapos malaman ang magandang balita.

Hindi rin makapaniwala ang mga malalapit na kaibigan nilang sina Darren Espanto, Donny Pangilinan, Kathryn Bernardo, Vice Ganda, Coco Martin, Enchong Dee, at iba pa matapos malaman na magiging magulang na ang dalawa.

September 29, 2025 nang unang malaman ng mag-asawa ang kanilang pagbubuntis.

--Ads--

Isa ito sa mga naging wish nila Robi at Maiqui nang mag-travel sila sa Taiwan.

Sa huling parte ng kanyang post ay makikita ang ultrasound at ang unang larawan ng kanilang paparating na baby.

Narito naman ang mga congratulatory messages ng iba pa nilang malalapit na kaibigan na mababasa sa comment section ng kanyang post.