--Ads--

CAUAYAN CITY- Pansamantalang isinara sa Publiko ang sikat na pasyalan na Rolling Hills sa Ramon, Isabela.

Ito ay nagsimula ngayong araw Pebrero 11 at magtatagal hanggang Pebrero 13.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Fernando Mallillin, Hepe ng Ramon Police Station, sinabi niya na ito ay upang bigyang daan ang pagsasaayos sa mga kalsada sa naturang pook pasyalan.

May mga naiulat na kasi na mga naaaksidente sa Rolling Hills dahil sa delikadong daan.

--Ads--

Nakipag-ugnayan na aniya sila sa pamunuan ng Barangay na nakakasakop sa lugar maging sa Local Government Unit ng Ramon kung saan napagkasunduan nilang lagyan ng harang sa gilid ng matarik na bahagi ng kalsada para sa kaligtasan ng mga lokal na turista.