Humiling si dating Presidential Spokesperson Harry Roque sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) na ibasura ang disbarment complaint na isinampa laban sa kanya kaugnay ng kontrobersyal na “polvoron video” na umano’y may kinalaman kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ang reklamo na isinampa ni Atty. Melvin Matibag, ay nauugnay sa pag-share ni Roque ng video na nagpapakita kay Pangulong Marcos na humihithit ng powdery substance, kasabay ng kanyang remarks tungkol sa authenticity ng video.
Ayon kay Roque, isinagawa niya ang nararapat na pagsusuri bago paniwalaan na ang video ay tunay. Ipinaliwanag niya na ang analysis ay ginawa ng isang Audio/Video Forensic Expert, at walang natagpuang evidence ng editing, consistent ang patterns at characteristics ng file sa isang unaltered recording.











