--Ads--

Isinailalim sa General Community Quarantine o GCQ ang buong bayan ng Roxas sa loob ng labing apat na araw.

Sa bisa ng Executive order number 2 ni Punong bayan Totep Calderon ay isasailalim sa GCQ ang bayan mula ngayong araw, ika labing apat ng Marso hanggang ika dalawampu’t pito ng Marso.

Pangunahing dahilan ng pagsailalim ng bayan sa GCQ ay dahil sa patuloy na pagtaas ng naitatalang nagpopositibo sa COVID 19 virus.