--Ads--

CAUAYAN CITY – Walang naitatalang insidente ng paglabag at pang-aabuso sa karapatan ng mga kabataan at kababaihan sa Bayan ng Roxas.

Ang mababang kaso ay resulta ng tuluy-tuloy na public awareness program ng Philippine National Police kasabay ng information program sa mga Barangay para mabigyan ng kaalaman ng mga kabataan at kababaihan kung paano makakaiwas sa pang-aabuso.

May mga simpleng away mag asawa naman silang madalang na  maitatala na nang dahilan sa pag aaway ay hindi pagkakaunawaan o dikaya naman financial abuse.

May mangilan-ngilang insidente ring nauuwi sa pisikalan subalit madalas ay naaayos na sa Barangay.

--Ads--

Sas naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCapt. Jayson Collawit ang Deputy Chief of Police ng Roxas Police Station sinabi niya na sa ngayon ay nanatiling payapa ang kanilang bayan.

Aniya sa ngayon tanging mga vehicular accident ang kanilang naitatala kung saan malaking porsiyento dito ay mechanical error o human error.

Bilang tugon ay mga intervention sila kasama ang Local Government Units para mapanatiling ligtas ang mga motorista sa kalsada.

Samantala, tuluy-tuloy din ang kanilang anti drug campaign kung saan nakapagtala sila ng sampung drug operation at nakadakip ng labing anim na drug municipalities.

Sa ngayon ay nananatiling drug cleared ang lahat ng mga barangay ng Roxas, Isabela.