
CAUAYAN CITY – Pinangunahan ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board (RTWPB) at ilang katuwang na ahensiya ng pamahalaan ang ikatlong public consultation para sa panukalang dagdag sahod ng mga kawani ng pribadong sektor at mga kasambahay sa lalawigan ng Isabela.
Ang pablic consultation ay idinaos sa Lunsod ng Cauayan para sa mga southern municipalities at sa Lunsod ng Ilagan para sa Northern Municipalities na dinaluhan ng mahigit isandaang employers at mangagawa sa Lalawigan.
Nag presinta rin ng kani kanilang wage related Economic Indicators and price update ang Kagawaran ng Pagsasaka, DTI Region 2 at NEDA Region 2 para maging batayan sa isusulong na dagdag sahod o wage adjustment.
Dumalo rin sa konsultasyon sina DOLE Regional Director Dr. Joel Gonzales, DTI Regional Director Leah Ocampo at Elaine Battung bilang kinatawan ni NEDA regional Director Dionisio Ledres.










