--Ads--

Isinagawa ng Social Security System ang Run After Contribution Evaders o RACE program sa buong lambak ng Cagayan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay John Mark Ilagan ang Regional Communications Officer ng SSS North Luzon, sinabi niya na ang kanilang programa ay layuning puntahan o bisitahin ang sampung employer sa Sanchez Mira Cagayan kung saan 52 empleyado ang apektado.

Pito mula sa sampung employer ang isinailalim sa race collection kung saan ang mga employer ay bigong magbayad ng konstribusyon ng kanilang mga empleyado habang tatlo ang race coverage kung saan ang mga employer ay bigong mayparehistro.

Inaasahang makokolekta ng SSS sa Sanches Mira Cagayan ang humigit kumulang dalawang miltong piso.

--Ads--

Sa katunayan nito lamang Marso ay ikinasa nila ang simultaneous operations sa iba’t ibang bahagi ng Region 2.

Samanatala maliban sa RACE program ay isinusulong din ng SSS ang contribution subsidy provider program na isang contribution scheme na magpapalawak sa SSS coverage para sa mga self employed, land base o sea base OFW, maging mga nawalan ng trabaho o voluntary members.

Ang contribution subsidy proider ay isang korporasyon na siyang mag bibigay ng contribusyon ng isang members, bukas din ito para sa mga kumpaniya o korporasyon na maging bahagi ng knailang corporate responsibility.

Nariyan din ang Kasangga Collect Program na naka-focus sa job order o contruct of service workers sa LGU, SUC’s o mga NGO’s.

Sa katunayan ay nagkaroon sila ng Ceremonial Contract Signing kasama ang Cagayan state University Solana Campus kung saan na-cover ang job order workers at contract of service workers.

Samantala umabot na sa Employee Compensation Commission ang kanilang ika-50th anniversary kung saan ito ay hiwalay na komisyong nagbibigay ng kompensasyon sa mga empleyado na nasasangkot sa aksidente.

Abala na rin ang SSS sa mga scam advisory alert dahil sa mga naglipanang scammers online halimbawa dito ang phishing, vhising, smishing, clickbait at survey scam.

Pinayuhan ng SSS ang bawat miyembro na maging maingat sa pag click ng mga natatanggap na mga link mula sa mga hindi beripikadong sites.