Isinagawa ng Russia ang pinakamalawak na airstrike laban sa Ukraine mula nang simulan ang digmaan noong 2022, ayon sa Ukrainian Air Force. Umabot sa 537 na sandatang panghimpapawid ang pinakawalan kabilang ang 477 drone at 60 missile. Sa mga ito, 249 ang naitabla at 226 ang posibleng na-jam electronically.
Tinarget ang ilang rehiyon, kabilang ang kanlurang bahagi ng bansa. Nagpalipad din ng mga eroplano ang Poland at mga kaalyado upang tiyakin ang kaligtasan ng kanilang himpapawid.
Iniulat ang mga nasawi sa Kherson at Kharkiv, habang anim ang nasugatan sa Cherkasy, kabilang ang isang bata.
Patuloy ang pagbabantay ng international community habang ipinahayag ni Russian President Vladimir Putin ang kahandaang muling lumahok sa peace talks sa Istanbul.










