--Ads--
Nagkasundo ang Russia at Ukraine na magpatupad ng pansamantalang ceasefire upang bigyang-daan ang pagdiriwang ng Orthodox Easter.
Ayon sa ulat, mismong si Russian President Vladimir Putin ang nag-utos sa kanyang mga sundalo na itigil ang mga opensiba sa nasabing panahon.
Magsisimula ang tigil-putukan mula Abril 11 hanggang Linggo bilang bahagi ng paggunita sa mahalagang okasyong panrelihiyon.
Umaasa ang Russia na tutugon din ang Ukraine sa kanilang panawagan upang mapanatili ang pansamantalang kapayapaan.
--Ads--
Matatandaang nauna nang inakusahan ni Ukraine President Volodymyr Zelensky ang Russia na hindi umano tumugon sa kanilang panukalang ceasefire kaugnay ng Orthodox Easter.









