--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagsasagawa ng mga kilos protesta sa iba’t ibang lugar sa Hongkong ang mga rallyista ngayong weekend.

Inihayag ni Bombo Correspondent Maridel Quesada sa Hongkong na asahan ang pagdagsa ng mga nagpoprotesta ngayong weekend sa mga parke, paliparan at mga terminal.

Ayon pa kay Bb. Quesada, pinag-iingat ng konsulada ng Pilipinas sa Hongkong ang mga OFW na iwasan ang mga lugar kung saan nagaganap ang rally at pinaiiwas din sa pagsusuot ng kulay itim at puting damit.

Pinaiiwas ang mga OFW na magsuot ng puti at itim na damit upang hindi maabala dahil sinisita na rin ng mga Hongkong Police ang mga ito at sinusuri ang kanilang pagkakilanlan at dokumentong dala-dala.

--Ads--
Tinig ni Bombo Correspondent Maridel Quesada

Samantala, sinabi pa ni Bb. Quesada na wala pa naman siyang alam na mga OFW na pinauwi na ng kanilang amo dahil sa kaguluhan