CAUAYAN CITY – Dismayado ang isang magsasaka matapos na manakawan ng aning mais sa City of Ilagan.
Inihayag ng biktima na si Ginoong Bong Zipagan na February 23 nang magpabilad siya ng mga ani niyang mais at na-dry noong araw ng Sabado dahil hapon na siyang natapos ay hindi niya ito naharap na ibenta.
Aniya plano sana niya na pagkabalik ay ibebenta na niya ang mga aning mais subalit nakita niyang nag iba na ang pagkakamada sa kaniyang mga ani.
Mula sa 80 sacks na naani niya ay natangay ng mag nanakaw ang nasa 62 na sako ng mga dried na mais na nagkakahalaga ng 60,000 pesos at labing-walo na lamang ang naiwan sa kaniya.
Sa ngayon ay naidulog na niya sa Pulisya ang insidente at kasalukuyan ng nirereview ang mga kuha ng CCTV camera na posibleng nakahagip sa mga suspek.
Hinala naman niya na posibleng na sa pitong katao ang tumangay sa mga ani niyang mais at posibleng isinakay sa elf o malaking truck dahil hindi naman kakayanin ng isang kolong-kolong ang napakaraming sako ng mais.
Labis ang panlulumo niya dahil ang perang mapagbebentahan sana ng mga mais ay gagamitin niyang pambayad ng utang at pambili ng bagong binhi na itatanim.