--Ads--

CAUAYAN CITY– Hinihinalang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti ang isang lalake sa kanyang tinutuluyang boarding house sa Santiago City.

Ang nagbigti ay si Alyas Echo, 25 anyos, salesboy sa isang tindahan sa palengke .

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan,inihayag ni Aljen Uminga, ang pinsan nang nagpakamatay na noong Sabado ng gabi nang makipag-inuman ang pinsan sa kanyang mga kaibigan nang bigla umalis at may kinausap sa kanyang cellphone.

Napansin nilang mataas ang boses nang kanyang pinsan at galit na kinakausap ang nasa kabilang linya.

--Ads--

Wala naman silang ideya kung sino ang kinakausap nito subalit batay sa kanilang narinig ay boses ito ng babae.

Matapos ang inuman ay bumalik sa kwarto si Alyas Echo at maghapong nagkulong sa kanyang kuwarto .

Kagabi nang katukin ng kanyang kapatid ang kuwarto ng kanilang pinsan ngunit dahil walang sumasagot ay sinilip nila sa bintana at doon nakita ang nakabitin na katawan ng pinsan.

Wala pang alam ang pamilya ni Alyas Echo kung sino ang babaeng kausap nito bago nagpakamatay.

Nakalagak na ang ang labi ni Alyas Echo sa isang punerarya sa Lunsod ng Santiago.

Ang pahayag ni Aljen Uminga