--Ads--
Matapos ang ilang buwang katahimikan, binalikan ni businessman at public figure Sam Verzosa ang breakup niya kay Rhian Ramos, na naganap noong Oktubre 2025, sa isang podcast.
Ayon kay Sam, tunay at makabuluhan ang kanilang relasyon sa loob ng apat at kalahating taon, at wala siyang galit o sama ng loob kay Rhian. Sinabi rin niyang marami siyang natutunan sa relasyon at ngayon ay nakatuon na sa kanyang personal na misyon at mga long-term goals.
Habang single ngayon, malinaw na hindi siya nagmamadaling pumasok sa panibagong relasyon at ini-enjoy ang phase ng paglago, disiplina, at bagong oportunidad sa buhay.









