Patuloy ang isinasagawang simulation exercise ng San Agustin Police Station hinggil sa 5-minute response time na direktiba ni Philippine National Police Chief Gen. Nicolas Torre III.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Felixberto Lelina, hepe ng San Agustin Police Station, sinabi niya na matagal na nilang ginagawa itong ginagawa sa kanilang himpilan at batay sa kanilang assesment ay nagagawa naman ng kanilang hanay ang rumesponde sa mga insidente sa loob lamang ng limang minuto.
Gayunpaman, mas madali aniya itong gawin kung sa bahagi lamang ng poblacion ang nangyari ang isang insidente.
Nakadepende rin kasi ito sa layo ng lugar lalo na sa mga malalayong barangay ng San Agustin.
Samantala, mayroon naman silang tatlong personnel ang kinakailangang makibahagi sa 93-day fitness training ng PNP.
Kada buwan aniya ay sinusuri nila ang timbang ng mga Pulis upang mapanatili na hindi sila lalagpas sa nakatakdang weight limit ng ng kapulisan.
Puspusan naman aniya ang ginagawang training ng mga kapulisan upang makapagbawas ng timbang at mapanatili nag kanilang physical fitness.
Tiniyak naman niya na hindi makaaapekto ang naturang training sa paggampan sa kani-kanilang mandato.











