--Ads--

CAUAYAN cITY – Kabilang sa inirekomenda sa ginawang national validation para sa Seal of Good Local Governance ang bayan ng San Mariano, Isabela.
Pinangunahan ni Assistant Regional Director Paulino Lalata Jr. ang validation kasama ang Local Government Head Operation Officer 2 Bernard Ringor.
Layunin ng National Validation na makita ang pagtugon ng Pamahalaang bayan maging ng mga ahensya ng lokal na pamahalaan sa sampung governance areas na itinakda ng Department of Interior and Local Government o DILG.
Ang resulta ng Validation ay sumailalim sa deliberation bago isumite sa DILG para sa screening ng SGLG committee bago dumaan sa final approval ni DILG Sec. Benhur Abalos.
--Ads--










