--Ads--

CAUAYAN CITY – Napili ang bayan ng San Mariano sa ikalawang rehiyon para sa isasagawang pilot project ng walang gutom 2027 food for stamp ng World Food Program katuwang ang Department of Social Welfare and Development o DSWD.

Direktiba ito ni Pangulong Bongbong Marcos kay DSWD Sec. Gatchalian na magsagawa ng pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan para maibsan ang kagutuman at kahirapan ng mga Pilipino.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Lemuel Neil Agliter ng NATIONAL FOOD PROGRAM MANAGEMENT OFFICE ng WORLD FOOD PROGRAM, sinabi niya na mamimili muna ng 560 na benepisaryo ang World Food Program at DSWD mula sa listahanan ng ahensya.

Mabibigyan ang mga mapipili na benepisaryo ng electronic card o electronic benefit transfer card na nalalaman ng tatlong libong piso at ibibili nila ng pagkain sa loob ng isang buwan.

--Ads--

Gagawin muna ng anim na buwan sa 560 na benepisaryo ang naturang programa at magtatagal ang pilot testing hanggang sa 2027.

Isinagawa rin ang retailers assessment process kung sino ang mga may kakayahan at kapasidad ng mga retailer na makakatulong sa programa na ito na ibibigay ang pangangailangan ng mga benepisaryo.

Ipinagbabawal ang pagbebenta ng instant noodles o delata sa mga benepisaryo at ang pwede lang ay ang mga naluluto.

Puntirya ng DSWD na magkaroon ang World Food Program ng tatlong daang libo na benepisaryo sa taong 2024 at anim na raang libo naman sa susunod na taon at hanggang sa 2027 ay aabutin na ito ng isang milyon.

Unang isasagawa sa limang lugar sa bansa ang pilot project at una ng isinagawa sa Metro Manila at sumunod sa San Mariano, Isabela, sa Camarines Sur at Caraga sa Siargao.