--Ads--

Binalangkas ng Pambayang Konseho ng San Mateo, Isabela ang isang ordinansa na nagbabawal sa mga myembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps pagsasanla ng cash cards para makapagbisyo.

Sa kaniyang talumpati, inihayag ni SB Member Jennifer Ramones na ang mga mapapatunayan at mahuhuling nagsasanla ng kanilang cash card ay sasailalim sa counseling bago pagpasiyahan kung tatanggalin ang kanilang pangalan sa listahan.

Aniya, layunin nito na maiwasang mabaon pa sa pagkakautang ang mga tumatanggap ng benepisyo mula sa 4Ps, lalo na kung ang kanilang uutangan o pagsasanlaan ay may interes.

Inaasahan na ang mga benepisyaryo ng 4Ps ay sasailalim sa counseling upang maunawaan ang ordinansa.

--Ads--

Una rito, nagsagawa sila ng public hearing na dinaluhan ng mga 4Ps leaders mula sa bawat barangay.