--Ads--

CAUAYAN CITY – Magiging pambato  ng Isabela ang bayan ng San Mateo sa Search for Best Municipal Peace and Order Council sa panrehiyong antas.

Nagtungo sa San Mateo ang mga kasapi ng regional evaluators na pinangunahan ni Eng’r. Marlo Baricaua, Local Government Operation Officer 5 DILG Region 2 upang magsagawa ng evaluation.

Mayroon din silang kasama na galing din sa iba pang sangay ng pamahalaan tulad ng PNP, BFP at iba pang kinatawan ng mga sangay ng pamahalaan.

Ang mga regional evaluators ay nagsagawa ng pagsusuri ng mga dokumento na may kaugnayan sa pagiging Best Municipal Peace and Order Council ( MPOC)

--Ads--

Maraming nakitang good practices ang bayan ng San Mateo na mai-uugnay sa usaping kaayusan tulad ng mga accomplishments ng San Mateo Police Station.

Inanyayahan ng mga regional evaluators ang mga kasapi ng Municipal Peace and Order Council sa San Mateo na dumalo sa awarding ceremony sa October 30, 2017.