Nakatakdang siyasatin ng Municipal Engineering Office ang lahat ng canopy sa gate ng Pamilihang Bayan ng San Mateo.
Ito ay matapos na bumagsak ang canopy ng harapang bahagi ng Gate 1 ng pamilihan.
Ayon kay Engineer Edgar Tacquiban pinasuri nila ang mga canopy sa lahat ng gate ng pamilihan upang matukoy kung ligtas pa rin ba ang mga ito o hindi na.
Kung sakaling makikitaan ng pinsala ay kukumpunihin ito subalit kung hindi na makukumpuni ay maaari naman itong alisin pansamantala.
Ang mga Canopy ng pamilihan ay matagal na aniyang nakalagay at proyekto pa ito ng mga nakaraang administrasyon.
Isa sa sinisilip na dahilan ay ang pagrupok ng lumber o kahoy na ginamit ay dahil sa exposure sa ulan at araw.
Mapalad na lamang aniya na walang nasaktan nang bumagsak ang canopy sa gate 1.











