--Ads--

Itinanggi ng Korean star at miyembro ng K-pop group na 2NE1 na si Sandara Park ang akusasyon ng kapwa member na si Park Bom patungkol sa paggamit ng ipinagbabawal na droga.

Sa pamamagitan ng isang Instagram story, ibinahagi ng K-pop idol ang maikling pahayag hinggil sa isyu.

Matatandaang mabilis na naging usap-usapan ang dalawa matapos ang pagpo-post ni Park Bom ng handwritten letter ukol sa umano’y paggamit sa kanya.

Aniya, nagdesisyon siyang magsalita sa umano’y paggamit ng droga ni Sandara para i-comfort ang “crying soul”.

--Ads--

Nakiusap rin si Bom sa kapwa member na si CL at sa YG Entertainment na huwag i-report ang paggamit niya ng Adderall sa mga awtoridad.