--Ads--

Itinanghal bilang Mutya ng Cauayan 2025 si Sandrine Desiree Cristobal ng Barangay Labinab, matapos magpakitang-gilas sa patimpalak pagandahan ng lungsod.

Taong 2024 nang itinanghal din siya bilang Mutya ng Cauayan Culture and the Arts.

Nanguna si Bb. Cristobal sa labinlimang kandidata matapos ipamalas ang husay sa pagrampa, matalinong pagsagot sa Question and Answer Portion, at ang kanyang angking ganda at kumpiyansa sa sarili.

Itinanghal naman bilang Mutya ng Cauayan Agriculture 2025 si Weine Euniez Yu ng Brgy. Cabaruan, Mutya ng Cauayan Culture and the Arts 2025 si Kimberly Bongalbal ng Brgy. Minante Uno, Mutya ng Cauayan Tourism 2025 si Princess Diane Tutaan ng Brgy. Faustino at Mutya ng Cauayan Technology 2025 si Keddy Joy Tiqui ng Brgy. San Fermin.

--Ads--

Bilang Mutya ng Cauayan 2025, si Bb. Cristobal na rin ang magiging opisyal na representante ng Cauayan City sa Queen Isabela 2026.