--Ads--

Nakahanda ang hanay ng Rescue 922 sa darating na Undas. Magpapakalat ng standby medical team ang hanay ng command center upang masiguro na matutugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan lalo na sa mga pupunta sa sementeryo.

Ayon sa mga naka-panayam ng Bombo Radyo Cauayan na command center, sinabi nila na bahagi ito ng paghahanda nang sa ganoon mayroon agad tutugon na mga medical team sakaling may mangailangan ng tulong.

Sa dami kasi ng mga nagpupunta sa sementeryo lalo na ngayong papalapit na ang Undas, hindi maiiwasan kung minsan lalo kung masyadong mainit ang panahon ay may mga nahihimatay.

Ito rin ang isa sa naitatalang records ng nasabing hanay nitong mga nakakaraan kaya’t minabuti ng Rescue 922 na magtalaga ng mga team na pupunta sa mga sementeryo bukod pa sa mga nagmomobil nang sa ganoon ay tumugon naman sa mga mamamayan sa lansangan.

--Ads--

Samantala, magiging maaga ang deployment ng personnel ng Cauayan City Fire Station para sa papalapit na Undas.

Bukas ay nakatakda nang I-deploy ang mga BFP personnel sa mga sementeryo nang sa ganon ay masiguro na may mga nakatalagang uniformed personnel na pwedeng mag-assisst sa mga residente ng lungsod.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Senior Fire Officer II Maricar Castillo Senior Fire Officer II ng BFP Cauayan City, sinabi niya na layunin ng kanilang hanay ang pag-asiste sa mga maagang magtutungo na mga mamamayan lalo na sa mga galing pa sa ibang lugar.

Aniya, bagaman aminado ang kanilang opisina na hindi sila makakapag-lagay ng tig-iisang mga team sa bawat sementeryo sa lungsod ngunit tinitiyak ng kanilang hanay ang regular na pag-iikot sa bawat sementeryo. Dagdag pa ng nasabing opisyal ay ang paglalagay ng mga medic sa awat iikutang sementeryo nang sa ganoon ay magkaroon ng pwedeng puntahan ang mga residente sakaling makaramdam ng sakit pangkalusugan.

Iniikutan din ng kanilang mga tauhan ang Cauayan City Airport nang sa ganon mamonitor din ang kalagayan doon.