--Ads--

CAUAYAN CITY – Dalawa na ang nasawi sa San Agustin, Isabela dahil sa COVID-19 na kinabibilangan ng 8 buwang gulang na sanggol.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Rural Health Unit (RHU) San Agustin,  nasawi ang  sanggol na lalaki na mula sa Barangay Bautista, San Agustin, Isabela na positibo sa COVID-19.

Sa ngayon ay hindi pa malaman kung paano nahawa ang sanggol.

Ang isa pang nasawi may kaugnayan sa COVID-19 ay isang 41 anyos na lalaki  na mula sa Palacian, San Agustin at hindi pa malaman ang exposure niya subalit may kasaysayan ng paglalakbay sa Maddela, Quirino.

--Ads--

Nagpaabot na ng pakikiramay ang lokal na Pamahalaan ng San Agustin habang patuloy na pinag-iingat ang mga residente.

Sa ngayon ay mayroon ng walumpu’t siyam na tinamaan ng virus sa naturang bayan, labimpito ang aktibong kaso, pitumpo ang gumaling at dalawa ang nasawi.