--Ads--

CAUAYAN CITY – Hinihinalang namatay sa Covid 19 ang isang sanggol sa lunsod matapos magpositibo sa sakit ang isa sa magulang nito.

Sa naging pagpapahayag ni Dr. Genaro Manalo, ang City Health Officer ng Lunsod ibinahagi niya na isang sanggol ang hinihinalang nasawi dulot ng Covid 19 pagkaraang magpositibo sa nasabing Virus ang isa sa mga magulang ng bata.

Wala pa aniyang isang taong gulang ang nasabing bata na nagpamalas ng sintomas ng Covid19 at nalaman din na wala ni isa sa mga magulang nito ang naturukan ng Covid19 vaccine kaya maaring madaling nakapitan ng virus ang mga ito.

Sumailalim sa anti-measle ang nasabing bata kasunod ng pagpositibo sa covid19 ng magulang nito kaya hindi pa tiyak kung ano ang maaring ikinasawi ng sanggol ngunit itinala na parin itong suspect patient.

--Ads--

Naniniwala ang doktor na karaniwang tinatamaan ngayon ay mga bata at mga kabilang sa Middle Age group kaya bilang tugon kanilang pinapalakas ang kanilang pagpapaalala sa publiko para sa pagtugon sa minimum health protocol.

Paalala ng tanggapan na magdoble ingat upang maproteksyunan ang mga inuuwiang pamilya partikular ang mga bata na sa kasalukuyan ay hindi pa rin maaring bakunahan kontra Covid19.

Ang bahagi ng pahayag ni Dr. Genaro Manalo.