--Ads--

CAUAYAN CITY– Dalawang lalaki na kinabibilangan ng isang menor de edad ang nadakip ng pulisya matapos tangayin ang motorsiklo ng isang konsehal sa Quezon, Isabela

Ang biktima ay si Sangguniang Bayan Member Antonio Diampoc, 61 anyos at residente ng Brgy. Arellano, Quezon, Isabela habang ang mga suspek ay sina Feliz Bucad, 27 anyos at isang 16 anyos na kapwa residente ng lunsod ng Tabuk, Kalinga.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni P/Sr. Insp. Arnel Alvarez, hepe ng Quezon Police Station, ang naturang biktima ay nagtungo sa isang bahay-inuman.

Makalipas umano ang ilang minuto ay nakita dalawang suspek na pilit tinutulak ng menor de edad ang Honda motorcycle ng konsehal habang sinusundan naman siya ni Matias sakay ng kanilang motorsiklo.

--Ads--

Agad isinumbong sa pulisya ang naturang insidente na agad naman tinugunan na nagresulta ng pagkakadakip ng dalawang suspek.

Ayon pa kay Sr. Insp. Alvarez na batay sa kanilang pagtatanong ay sinabi ng dalawang nadakip na nagawa lamang umano nilang magnakaw dahil sa kawalan ng perang pangkain.

Sa ngayon ay nasa pangangalaga na ng pulisya sina Matias at ang menor de edad para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.