--Ads--

CAUAYAN CITY – Binigyan ng pagpupugay ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela ang dalawang Isabelinong nagtapos na number 1 sa Philippine Military Academy (PMA) at number 6 sa Philippine National Police Academy (PNPA).

Ito ay sa pamamagitan ng pinagtibay na resolusyon ng mga kasapi ng Sangguniang panlalawigan para ipakita ang papuri at pagkilala sa mga natatanging Isabelino.

Binigyan ng papuri at  pagkilala ang  karangalan nakamit ni 2Lt Gemalyn Sugui na tubong Antonio Minit,  Echague, Isabela na valedictorian ng PMA Masidlawin Class 2020.  

Ang resolusyon ay inisponsoran  ni SP Member Alfredo Alili  na residente rin ng Echague, Isabela.

--Ads--

 Binigyan din ng pagkilala si  2Lt  Irish Adrianne Gumaru ng San Pablo, Isabela  na number 6 sa PNPA “Mandayug” Class 2020.  

Ang resolusyon ay  pangunahing isinulong ni SP Member Venus Bautista.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay SP Member  Alili, sinabi niya   magtutungo ang  mga  kasapi ng Sanguniang Panlalawigan sa pamilya nina Sugui at Gumaru upang ibigay ang mga pinagtibay na resolusyon.

Ayon pa kay SP member Alili, malaking karangalan sa  Isabela ang mga nakamit na tagumpay nina  2Lt Sugui at 2LtGumaru na bunga ng kanilang talino, pagpupunyagi at pagsisikap.