--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagpapatuloy pa ang ginagawang pagsisisyasat ngayon ng San Anuel Fire Station para matukoy ang sanhi ng sunog maging ang naitalang pinsala sa ari-arian na tumupok sa dalawang bahay sa Brgy. District 1, San Manuel, Isabela

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay FO2 Rey Anthony G Morgado- Fire arson Investigator- San Manuel Fire Station, sinabi niya na lumalabas sa kanilang initial invesatigation ang nag simula ang sunog 6:30 ng gabi na sumampa pa sa ikalawang alarma at tumagal ng humigit kumulang kalahating oras.

Apat na fire truck ang kanilang nagamit para tuluyang maapula at ideklarang fireout pasado alas-7 ng gabi.

Aniya dahil sa gawa sa sawali ang bahay ay mabilis na kumalat ang apoy na sinabayan pa ang malakas na hangin.

--Ads--

Sa katunayan aniya napadaan lamang sila sa lugar para sana mag karga ng tubig ng mapansin nilang nasusunog na ang bahay kung saan pansamanatalang nakatira ang mga trabahador ng rice mill.

Matatandaan na tinupok ng apoy ang dalawang residential house na pag-aari ni Richard Tan at may-ari ng La Suerte Rice Mill sa bahagi ng Brgy. District 1, San Manuel, Isabela pasado alas 6:30 noong March 17, 2025.

Batay sa pagsisiyasat ng BFP, ang isang bahay ay 80% ang tinupok ng apoy habang ang isa pang bahay ay nasa 70% ang nasunog.