CAUAYAN CITY – Nananatiling walang bakuna para sa COVID-19 virus ang Santiago City Health Office.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Genaro Manalo, Chief ng Santiago City Health Office kanyang sinabi na hanggang ngayon ay hinihintay pa nila ang bakunang ibibigay ng Department of Health.
Aniya marami ang naghihintay dito lalo na ang mga Overseas Filipino Workers na paalis ng bansa dahil isa umano ito sa hinahanap ng kanilang mga employers.
Wala pa naman umanong katiyakan kung kailan magkakaroon ng bakuna dahil wala pang maibigay na petsa ang DOH.
Maging ang mga pribadong ospital ay wala din umanong bakuna para sa COVID-19 kaya’t humihingi nang paumanhin si Dr. Manalo sa mga apektadong residente.
Sa ngayon ay wala naman umano silang namomonitor na kaso ng COVID-19 sa lungsod ng Santiago.