--Ads--

CAUAYAN CITY – Naitala na bilang High Risk Area (HRA) ang Santiago City kasama ang Tuguegarao City dahil sa sunud-sunod na pagkakatala ng mataas na kaso ng Covid-19 positive.

Inihayag ni Regional Director Rio Magpantay ng Department of Health (DOH) region 2 na naitala naman bilang Moderate Risk ang apat na lalawigan sa ikalawang rehiyon dahil sa mataas na daily attack rate.

Kabilang dito ang Isabela, Nueva Vizcaya, Cagayan at Quirino habang nananatiling Low Risk ang Batanes.

Nais ng DOH region 2 na mapababa sa 100 kada araw ang mga kaso sa Lambak ng Cagayan.

--Ads--

Umaasa si Dr. Magpantay na makakamit ito sa pamamagitan ng maayos na pag-uusap at pakikiisa ng mga ahensiyang miyembro Regional Inter-Agency Task Force .

Samantala, muling hiniling ni Mayor Joseph Tan ang mahigpit na kooperasyon ng kaniyang mga nasasakupan.

Hindi aniya kayang ma-contain ng pamahalaang lunsod ng Santiago ang virus kung hindi makikiisa at makikipagtulungan ang mga residente.

Dahil dito, sunud-sunod ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa mga ospital sa lunsod at hinimok na sitahin ang mga lumalabag sa mga panuntunan para labanan ang COVID-19

Ang pahayag ni Mayor Joseph Tan