CAUAYAN CITY – Naabot na ng mga pagamutan sa Lunsod ng Santiago ang 100 percent utilization rate dahil sa dami ng mga pasyenteng dumadagsa mula sa ibat ibang lugar sa Lalawigan.
Ito ang pahayag ni City Health Officer Dr. Genaro Manalo matapos na maisama ang lunsod sa may pinakamataas na kaso ng COVID 19 batay sa datos ng Isabela Provincial Information Office.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan sinabi ni Dr. Manalo na sa kasalukuyan ay nasa lunsod ang maraming bilang ng mga pasyente sa lalawigan ng Isabela.
Sa katunayan aniya ay punuan na ang kanilang mga pagamutan partikular sa Southern Isabela Medical Center o SIMC kung saan nasa mahigit dalawang daang pasyente ang naka admit na higit na mataas kumpara sa 150 bed capacity ng pagamutan habang ang ibang mga pagamutan.
Maliban sa naitatalang kaso ng delta variant, nakikita naring dahilan ang pagdagsa ng mga indibiduwal sa Lunsod sa mas nag palaganap ng virus at pagdami ng mga nahahawaan at nagpopositibo.
Lumalabas naman sa datos ng CHO na karamihan sa mga COVID 19 patient na na-admit sa pagamutan ay vaccinated at umaabot lamang sa moderate ang sintomas ng mga ito habang ang mga na-admit na unvaccinated ay nagpakita ng severe symptoms at kinakailangan pang madala sa ICU.
Sa kasalukuyan ay nagpapatuloy parin ang ginagawa nilang testing sa mga indibiduwal na nais sumailalim sa RT PCR at Rapid Antigen gayunman kailangan magpakita ng Client Information Form o CIF na mula sa barangay ang mga magpapasuri bilang katibayang sila ay residente ng Lunsod.
Aniya, lahat ng mga sumasailalim sa antigent test ay inililista at agad na isinasailalim sa quarantine habang ang mga magpopositibo ay muling kukunan ng specimen para sa RT PCR test na kanilang ipinapadala sa Philippine Red Cross o PRC Isabela.
Kauganay nito, patuloy ang paalala ng City Health Office sa mga residente ng Lunsod magpabakuna na kontra covid 19.
Sa katunayan aniya ay aabot na sa mahigit animnapung libong residente ang nababakunahan at sa kasalukuyan ay nakatakda muli silang magbigay ng bakuna gamit ang Pfizer na maaaring maiturok sa mga buntis at OFW.
Samanatala bagamat tuloy tuloy ang kanilang pagbabakuna ay may ilang bahagdan pa sa ilalimng A4 category ang hindi pa nababakunahan kung saan nasa labing dalawang libong doses na ang kanilang naipamahagi.
Maliban parito ay inihahanda narin ila ang mga Person Deprived of Liberty o PDL’s para naman mabakunahan ng COVID vaccine na mula sa Sinovac.











