--Ads--

CAUAYAN CITY– Sumampa na sa 93 ang COVID-19 related deaths sa Santiago City.

Sa nakuhang na impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, nakapagtala ang Santiago City kahapon ng 82 recoveries, 13 na panibagong kaso habang 4 ang naitalang bagong nasawi.

Bagamat bumaba ng 111 ang naitalang aktibog kaso ng COVID-19 ay sumampa naman sa 93 ang bilang ng mga nasawi dahil sa virus.

Sa kabuoan ay mas 3,907 ang total confirmed COVID-19 cases at 3,703 ang gumaling na

--Ads--

Pinakamarami sa talaan ng mga may nasawing residente ang barangay Rosario na may 11, Plaridel na may 10 at Victory Norte na may 9.

Patuloy pa ring hinihimok ang lahat na tumugon sa minimum health protocol nang makaiwas sa posibleng pagakahawa ng sakit.