--Ads--

CAUAYAN CITY – Tiniyak ng Santiago City Police Office o SCPO ang mahigpit na pagbabantay sa mga Quarantine Control Checkpoints sa Lunsod kasunod ng kautusan ng Pamahalaang lunsod na paghihigpit sa mga byahero.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PCol. Reynaldo Dela Cruz, City Director ng SCPO, mahigpit na binabantayan ng mga kapulisan sa lunsod ang mga Quarantine Control Checkpoints katuwang ang mga miyembro ng DPOS, kawani ng City Health Office at CDRRMO.

Hinahanapan ng mga kaukulang Travel Documents ang mga biyahero pangunahin na ang negatibong resulta ng SWAB Test.

Batay sa Executive Order No. 2021-08-03, ang mga papasok sa lunsod na mula sa Lalawigan ng Cagayan ay kailangang magpakita ng negatibong resulta ng RT-PCR test na kuha sa loob ng apatnapu’t walong oras o negatibong resulta para sa anumang  o FDA approved antigen test na kuha rin sa loob ng apatnapu’t walong oras.

--Ads--

Sino mang indibidwal na makikitaan ng sintomas ng COVID-19 ay hindi pinapayagang makapasok sa lunsod ng Santiago.

Sa mga kawani ng pamahalaan na nagtatrabaho sa lalawigan ng Cagayan na may mahalagang transaksyon sa lunsod ay pinapayagan pa ring makapasok at hindi na kailangang makapagpakita ng RT-PCR o antigen test subalit dapat ay makapagpakita ng Valid ID mula sa kanilang ahensya, orihinal na Travel Authority na pirmado ng kanilang tagapamahala at pagsunod sa mga kasalukuyang Minimum Public Health Standard.