--Ads--
CAUAYAN CITY – Wala umanong mga kasapi ng Station 1 ng Santiago City Police Office ( SCPO ) ang lumalabag sa karapatan ng kanilang mga maybahay at mga kababaihan
Ito ang lumabas matapos isagawa ang 5th Men Opposed to Violence Against Women Everywhere (MOVE) Summit sa Baguio City.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay P/Chief Insp. Rolando Gatan,Station Commander ng Presinto Uno ng SCPO, kanyang sinabi na ang lahat ng kanyang mga tauhan ay tapat sa kanilang mga mahal sa buhay.
Aniya kung dati umano ay itinuturing na babaero ang mga pulis ay hindi na ngayon lalo na at nasa ilalim sila ng Internal Cleansing Program.
--Ads--
Kinailangan umanong maging malinis ang lahat ng mga kasapi ng pulisya at walang kinakaharap na anumang kaso.




