
CAUAYAN CITY – Puntirya ng City Health Office (CHO) na maideklarang Tuberculosis (TB) Free City sa region 2 ang Lunsod ng Santiago.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Genaro Manalo, City Health Officer, sinabi niya na nais ng lunsod na maideklarang bilang TB Free City kaya ilang programa ang nakatakdang isagawa ngayong linggo.
Bukas, June 21, 2022 ay nakatakdang magtungo ang ilang kawani ng CHO sa Rizal, Santiago City at sa June 23, 2022 ay sa Villa Gonzaga habang sa Biyernes ay isasagawa ang Libreng Laboratory Examination sa City Public Market.
Nasa 200 na tao ang target na masuri ng CHO kaya inimbitahan ni Dr. Manalo ang lahat na makiisa kahit mga walk-in patients.
Prayoridad ang mga manggagawa tulad ng mga food handlers, elderly at mga Barangay Health Workers (BHW).
Aniya mataas ang cure rate sa Lunsod ng Santiago na maaaring dahil sa pagbibigay ng insentibo sa mga BHW.




