--Ads--

CAUAYAN CITY- Nagbunyi ang mga pinuno at kawani ng local government unit ng Santiago City matapos makamit ang 1st place sa 2018 Literacy awards sa buong bansa sa kategorya ng independent/component city.

Ito ay bunga ng 27 best practices ng City Government sa pagpapatupad ng literacy program.

Ang gantimpala na Php100,000.00 ay gagamiting pambili ng mga kagamitan o materyal para sa pinag-ibayong pagpapatupad sa programa.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni City Mayor Joseph Tan ng Santiago City na natutuwa sila na sa unang pagkakataon na pagsali nila ay agad silang nanalo.

--Ads--

Ito ay dahil sa naging pagsisikap ng mga pinuno at kawani ng LGU Santiago City na naatasang magpatupad sa programa katuwang ang Department of Education.

Ayon kay City Mayor Tan, tatlong araw na nanatili sa lunsod ang mga nagsagawa ng validation mula sa ibat ibang ahensiya mula sa national government.

Naging katunggali ng Santiago City ang Naga City at Dagupan City.

Nabanggit ni City Mayor Tan na nanalo rin ng award ang San Mateo, Isabela sa kategorya ng 1st to 3rd class municipality.