--Ads--

Nakatakdang humarap ngayong Lunes, Enero 5 ang contractor na si Sarah Discaya sa kauna-unahan nitong paglilitis sa Lapu-Lapu City Regional Trial Court (RTC) sa Cebu kaugnay ng kaso sa flood control projects.

Ayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), todo bantay ang Female Dormitory Jail sa kanilang lungsod kung saan nakakulong si Discaya at iba pang opisyal ng DPWH na lilitisin sa anomalya.

Tiniyak din ni Manigos na may sapat na security measures para sa ligtas na pagbiyahe kay Discaya mula sa kulungan nito patungo sa korte.

Nakasentro ang legal na proseso sa motion to quash sa warrant of arrest laban kay Discaya na inihain noong Disyembre 19, 2025 gayundin ang pagtatanggal ng mosyon sa warrant of arrest laban sa mga kapwa nito akusado na mga opisyal ng DPWH at construction firm nito.

--Ads--

Inaasahang dadalhin si Discaya sa RTC Branch 27 sa Lapu-Lapu City upang dinggin ang ruling ng korte sa mosyon kabilang ang kahilingan ng akusado na manatili sa kustodya ng National Bureau of Investigation (NBI).

Nakatakda ang pagbasa ng sakdal kay Discaya sa Enero 13 kung saan pakikinggan ang plea nito sa korte.