--Ads--
CAUAYAN CITY- Iscolated case na lamang na maituturing ang hinihnalang pamamaril sa sasakyan ng isang tumatakbong Sangbuniang Bayan Member ng Ramon sa Barangay Villa Magat.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Danilo Malab Jr.hepe ng San Mateo Police Station sinabi niya na batay sa imbestigasyon ng SOCO walang nakitang gun powder resedue sa sasakyan kaya mas tumaas ang posibilidad na isang matigas na bagay ang tumama sa sasakyan na siyang nagdulot ng pinsala at pagkabasag nito.
Dahil nabigyan na ng linaw ang insidente ay itinuturing na case closed na ito at isolated case lamang na walang kinalaman sa Halalan.