CAUAYAN CITY- Mapalad na hindi nasaktan ang driver at pasahero ng isang puting Hyundai H100 matapos na salpukin ang pader ng isang eskwelahan sa Brgy. Upi, Gamu, Isabela.
Ang sangkot sa aksidente ay isang puting Hyundai H100 na may markings na Johnson Motorcycle parts na minamaneho ni Clarence Gumaru, 22-anyos na residente ng Brgy. Naggasican, Santiago City, kasama ang pasahero na si Jhon Rey Miane, 19-anyos na residente Brgy. San Andres, Santiago City.
Sa initial investigation ng Gamu Police Station napag-alaman na binabagtas ng sasakyan ang kahabaan ng Brgy. Upi, Gamu, Isabela ng makarating sa pinangyarihan ng aksidente ay naka idlip ang tsuper.
Sumigaw ang pasahero na babangga na sila, agad tinapakan ng tsuper ang preno subalit sumalpok parin sila sa harapang pader ng Gamu Rural School (Annex).
Dahil sa lakas ng pagkakabangga ay nawasak ang harapan ng sasakyan gayundin ang pader ng eskwelahan subalit mapalad na hindi nagtamo ng anumang injury ang driver at pasahero nito.