Habang nagsisimula ang taunang Hajj pilgrimage, naghahanda ang mga ospital sa Saudi Arabia para sa posibleng pagdami ng mga kaso ng heat exhaustion sa gitna ng matinding init.
Ang Mina Emergency Hospital, isa sa 15 ospital na tumatakbo tuwing Hajj, ay nakahanda para sa pinakamasamang senaryo matapos ang trahedya noong 2024 kung saan mahigit 1,300 pilgrims ang namatay dahil sa matinding init.
Ngayong taon, inaasahang lalampas sa 40°C ang temperatura habang mahigit 1.4 milyong pilgrims ang dumagsa sa Mecca para sa multi-day pilgrimage.
Ayon kay Abdullah Asiri, Deputy Minister for Population Health ng Saudi Arabia, 50,000 healthcare workers ang na-deploy, at 700 hospital beds ang inihanda para sa mga malulubhang kaso ng heat-related illnesses.
Upang maiwasan ang pagkalantad sa matinding init, naglagay ang mga awtoridad ng 71 emergency medical points, misting fans, at cooled walkways, kabilang ang bagong 4-kilometrong pathway patungo sa Mount Arafat.
Pinayuhan ang mga pilgrims na manatili sa lilim at iwasan ang direktang sikat ng araw upang maiwasan ang heatstroke.





