--Ads--

CAUAYAN CITY – Patuloy ang malalimang imbestigasyon ng mga otoridad sa pagbaril at pagpatay kagabi sa isang Sangguniang Bayan Member ng Cabarrougis, Quirino.

Nagtamo ng maraming tama ng bala ng baril ang katawan ni SB Member Alberto Binlayan matapos siyang pagbabarilin ng mga hindi pa nakilalang suspek sa kanyang resthouse sa Zamora, Cabarroguis, Quirino.

Si Binlayan na residente ng Dingasan, Cabarroguis ay nasa ikatlo at huling termino na.

Sa imbestigasyon ng Cabarrougis Police Station, pagbaba pa lamang ni Binlayan sa kanyang sasakyan ay pinagbabaril na siya ng maraming beses ng mga suspek.

--Ads--

Natagpuan sa crime scene ang 11 na basyo ng bala ng Caliber 45 na baril.

Kabilang sa posibleng anggulo sa pagpaslang sa biktima ang personal na motibo at negosyo.