CAUAYAN CITY – Nasunog ang school canteen ng Naguilian National High School ngayong araw, Biyernes Santo.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni SFO3 Fernando Ibay, Fire Marshal ng Bureau of Fire Protection (BFP) Naguilian na naganap ang sunog dakong alas-2 ng hapon.
Aniya, nasunog ang mga nasa loob ng school canteen tulad ng pagkain gayunman ay pwede pa rin naman itong gamitin kung marenovate.
Wala rin naman aniyang nadamay na classroom dahil nasa 20 metro ang layo ng school canteen sa mga silid-paaralan bukod pa sa isolated ito.
Pagdating nila sa lugar ay malaki na ang apoy at naging katuwang nila ang BFP Gamu sa pag-apula sa sunog.
Sa ngayon ay patuloy pa rin nilang iniimbestigahan ang dahilan ng sunog at kung magkano ang halaga ng natupok ng apoy.
Payo nila sa mga mamamayan na bago umalis ay tiyakin na ligtas ang kanilang bahay at tanggalin sa saksakan ang mga kagamitan nilang nakasaksak.