--Ads--
Ang School Year (SY) 2025-2026 ay magsisimula sa Hunyo 16, ayon sa order ng Department of Education (DEPED).
Sinusundan nito ang pagbabalik sa lumang June-to-March school calendar na unang inaprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. bilang tugon sa public concerns noong Mayo 2024.
Ang SY 2025-2026 ay pormal na magbubukas sa June 16, 2025, Lunes at magtatapos sa March 31, 2026, Martes batay sa DepEd Order No. 12 series of 2025.
Kabuuang 197 araw ng klase na inclusive sa end-of-school-year rites ngunit maaring mabago dipende sa mga hindi inaasahang sitwasyon sa eskwelahan.
--Ads--
Binanggit din sa order ang Brigada Eskwela, ang annual school maintenance program, mula June 9-13, 2025.
Ang nasabing kautusan ay ipinalabas noong April 15, 2025











