--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto ng mga kasapi ng Ilagan City Police Station ang newly identified drug personality na out of school youth dahil sa pagbebenta ng illegal na droga.

Ang dinakip ay si Adonis Pascua, 19 anyos na taong gulang, walang trabaho at residente ng Guinatan, Lunsod ng Ilagan.

Nagsagawa ng drug buy bust operation ang mga kasapi ng Ilagan City Police Station katuwang ang mga kasapi ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA region 2 kung saan nagpositibong nakabili ang umaktong poseur/buyer ng isang sanchet ng hinihinalang shabu kay Pascua.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/ Inspector Orland Capili ng Ilagan City Police Station na patuloy ang kanilang pinaigting na kampanya kontra illegal na droga hindi lamang sa mga out of school youth kundi maging sa mga mag-aaral.

--Ads--

Bago anya nadakip si Pascua ay nagkaroon muna sila ng test buy at nang magpositibo ay isinailalim na sa drug buy bust operation.

Naniniwala si Capili na may mga mag-aaral ngayon na nakiki-barkada sa mga out of school youth na pusher na ngayon ay kanilang binabantayan.