--Ads--

Maigting na minomonitor ng Schools Division Office (SDO) City of Ilagan ang sitwasyon ng mga mag-aaral ngayong mainit ang panahon.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Disaster Risk Reduction and Management Officer Lyle Philippe Rañin, sinabi niya na alinsunod sa utos ng Department of Education (DepEd) Central Office ay mag-iinstall sila ng Thermometer at Hydrometer sa loob ng mga silid-aralan upang mamonitor ang aktwal na temperatura at humidity sa bawat silid na magiging basehan nila ng suspensyon ng klase.

Ayon aniya sa bagong DepEd order, nakabase ang suspensiyon ng klase sa mga School Heads tuwing nararanasan ang matinding init ng panahon.

Sa ngayon ay maaayos pa rin naman umano ang sitwasyon ng mga paaralan sa Lungsod ng Ilagan lalo at hindi na umano bago sa kanila ang ganitong sitwasyon kaya napaghandaan na nila ito.

--Ads--

Kabilang sa kanilang mga proyekto at ang pagtatanim ng mg puno sa mga paaralan na makatutulong upang maibsan ang mainit na temperatura.