--Ads--

CAUAYAN CITY- Bubuksan na ang Science Centrum sa bayan ng Echague ng Department of Science and Technology o DOST sa Lunes, March 5, 2018 hanggang March 28, 2018.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Provincial Director Marcelo Miguel ng DOST Isabela, kanyang sinabi na nakipag- ugnayan sila sa Local Government Unit ng Echague para sa Science Centrum gayundin ng mga paaralan.

Puntirya nilag 1,000 manonood kada araw simula bukas para sa lahat at kailangan lamang magbayad ng hindi bababa sa P60.00 bilang entrance fee para sa mga hindi taga-Echague.

Ang Science Centrum ay may apatnapu’t limang units ng apparatus may kaugnayan sa Engineering at Sciences at bukas mula umaga hanggang hapon.

--Ads--