--Ads--

CAUAYAN CITY – Aminado ang School Division Office o SDO Isabela ang kinakaharap na kakulangan sa mga head teacher at school principals sa lahat ng Eskwelahan sa Lalawigan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Assistant Schools Division Superintendent Dr. Wilma Bumagat ng SDO Isabela, sinabi niya na sa ngayon 800 ang bilang ng mga paaralan sa Lalawigan ng Isabela napakalayo sa humigit kumulang 600 school principal.

273 dito ang Teacher in Charge habang ang School Principal-I ay 119 sa Elementary, 102 ang Principal-II, 11 ang Principal-III at isang Principal IV.

Para sa elemtary 42 ang head teacher-I at 141 na head teacher-III habang sa  Junior Highschool ay mayroong 12 na head teacher-I at isang head teacher training-I.

--Ads--

May mga Eskwelahan parin sa Lalawigan o 292 o 33% ang pinamumunuan ng school heads o teacher in charge.

Aniya napakalaking responsibilidad ang tungkuling ng isang School Prinmcipal kung saan may sinusunod silang Key Result Area kabilang ang instructional supervision para sa mga Guro, Technical Assistance, Coaching at mentoring para maitalaga bilang School Head.

Maliban pa sa pamumuo sa resources ng SDO Isabela human and financial resources.

Para punan ang kakulangan ay nagsasagawa sila ng Clustering sa full pledge principals sa mga maliliit na Eskwelahan na may kakaunting mga Guro.

Sa katunayan aniya napakaraming passers subalit kulang ng items kaya naman nakakaranas na sila ngayon ng kakulangan.