--Ads--

‎Nagsagawa ang Schools Division Office (SDO) ng Cauayan City ng isang aktibidad o programa hinggil sa capacity building para sa mga Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) coordinators sa lungsod, na naglalayong palawakin ang kanilang kaalaman at kakayahan sa pamamahala ng mga programang may kinalaman sa disaster preparedness at climate change adaptation sa paaralan.

Ayon kay Ginoong Joel De Leon, Project Development Officer II at DRRM Division Coordinator ng SDO Cauayan, layunin ng aktibidad na ihanda ang mga coordinators hindi lamang bilang tagapamahala kundi bilang gabay para sa kaligtasan ng mga mag-aaral at ng buong paaralan.

Dagdag pa ni Ginoong De Leon, mahalaga ang pagbibigay ng ganitong training lalo na’t karamihan sa mga DRRM coordinators ngayon ay non-teaching personnel, samantalang dati ay mga guro ang humahawak ng naturang tungkulin.

Binanggit rin niya na ang capacity building ay nakatuon sa pagbibigay ng kaalaman at kasanayan upang maging mas resilient ang mga paaralan sa harap ng sakuna at upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral at mga guro.

--Ads--

Idinagdag din niya na, sa kabila ng pagkakaroon ng ilang DRRM programs sa mga paaralan, mahalaga na aktibong makibahagi ang mga mag-aaral sa mga programang ito upang mas mapalawak ang kanilang kaalaman sa disaster preparedness.