--Ads--

CAUAYAN CITY – Magkakaroon ng pag-uusap ang Schools Division Office (SDO) Isabela at mga alkalde sa lalawigan upang bumuo ng iisang guidelines na susundin sa pagpapatupad ng asynchronous classes.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Rachell Llana, Superintendent ng SDO Isabela, kanyang sinabi na dahil magkakaiba ang nilalaman ng mga Executive Order ng mga alkalde sa pagsuspinde ng face to face classes ay napagdesisyunan nilang makipag-pulong upang bumuo ng synchronize guidelines.

Aniya, mas maganda ito upang hindi magkaroon ng kalituan ang mga magulang at mag-aaral lalo na at may mga bayan na suspendido na ang face to face class hanggang buwan ng Mayo, may mga kalahating araw lang ang suspendido at mayroon ding paisa-isa kung mag-deklara.

Kung sakali namang walang deklarasyon ng face to face classes sa isang bayan ay ipinapaubaya na ng SDO Isabela ang desisyon sa mga school heads basta ipaalam lamang ito sa kanila.

--Ads--

Dagdag pa ni Dr. Llana, hindi na kailangan ng malaking adjustment ng mga bata sa asynchronous learning dahil ginawa na ito noong panahon ng pandemic.