--Ads--

CAUAYAN CITY – Humakot ng parangal ang Schools Division Office o SDO isabela sa katatapos na Regional Advocate Of Rights And Accountability  and Leadership o ARAL 2021.

Nakuha ng SDO Isabela ang pito mula sa walong parangal kabilang ang child protection champion, Best performing legal unit, School sites champion, Best school based child protection policy implementor secondary level para sa Jones Rural School, Best child protection policy secondary level para sa San Mateo Vocational and Industrial Highschool, Best school based child protection elementary level na nakuha ng San Manuel Central School at participation award.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Henedino Joseph Eduarte Jr., legal officer ng SDO Isabela, sinabi niya na nakatunggali ng SDO Isabela ang iba’t ibang SDO’s sa Rehiyon dos kabilang ang Cagayan, Nueva vizcaya, Quirino, Ilagan City, Cauayan City, Santiago City, Tuguegarao City at  Batanes.

Aniya, masaya ang kanyang pakiramdam bilang legal officer ng SDO Isabela dahil sa pamamagitan ng mga natanggap na parangal ay nabigyan ng pansin ang mga polisiyang isinusulong ng SDO Legal units.

--Ads--

Dahil trabaho ng bawat kawani ng DepEd na pangalagaan ang karapatan ng bawat kabataang mag-aaral at ang pinaka motibasiyon nila ang pagsusulong ng mas madali at mas mapaganda pa ang serbisyo ng DepEd.

Upang mas mabigyang pansin ng mga Guro ang mga DepEd Order number 40 series of 2021 o child protection policy at DepEd order number 30 na siyang Implementation Rules and Regulation ng Republic Act 10627 o Anti Bullying policy ay binuo nila ang Child protection Anti-Bullying o CBAP manual na kanilang inihain sa SDO Isabela na sinang-ayunan ng SDS, ASDS, District Supervisor at school level sa pamamagitan ng paghahain nila ng school resolution, district resolution at Division resolution.

Aniya ang lahat na nabanggit na programa ng SDO Legal unit ay kabilang sa mga na-asses sa ARAL Awards at ito na ang ikalawang pagkakataong nakatanggap ng parangal ang kanilang unit.

Ang bahagi ng pahayag ni Atty. Henedino Joseph Eduarte Jr.