--Ads--

May paglilinaw ang Schools Division Office of Isabela kaugnay sa alituntuning No Collection Policy ng Kagawaran ng Edukasyon.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Assistant Schools Division Supervisor Mary Julie Trus, sinabi niya na sa ilalim ng DepEd Order number 41 nakasaad na mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng tickets o collection ng contribution sa mga learners at teachers sa Pampubliko at Pribadong Pamantasan.

Aniya, makailang ulit na ring ipinaalala ito ni DepEd Secretary Sonny Angara, kaya naman muli ay pinaalalahanan nila ang mga School Heads dahil sa kabila ng polisiya ay may ilang mga reklamo pa rin silang natatanggap patungkol sa paniningil ng kontribusyon.

Nilinaw niya kung ano ang mga authorized collection na kanilang pinahihintulutan gaya ng Registration fee ng Boy Scout at girl Scout maging PTA registration gaya ng mga proyektong gagawin ng mga PTA members para sa isang school year.

--Ads--

Giit niya na sa pangongolekta sa PTA projects ay tanging mga magulang lamang ang kokolektahan ng kontribusyon at hindi dapat singilin ang mga learners gayunman ito ay voluntary at hindi mandatory.

Applicable din aniya ito para sa pagproseso ng mga dokumento ng learner at  binigyang diin niya na walang karapatan ang anumang eskwelahan na mag withold ng mga dokumentary requirement ng mga learners.